Negosyanteng nasangkot sa illegal drugs binaril patay sa Bohol

Tagbilaran.12Dead-on-the-spot ang isang kilalang negosyante makaraan siyang pagbabarilin ng hindi pa rin nakikilalang suspect sa Tagbilaran City sa Bohol.

Ang biktima ay kinilala ni Tagbilaran City Police Chief Supt. George Acol Vale na si Eduardo Flores Enerio, 60-anyos.

Ang biktima ay nagtamo ng multiple gunshot wounds sa kanyang katawan at namatay kaagad sa pinangyarihan ng krimen sa kahabaan ng J. Borja st. sa nasabing lungsod.

Si Enerio ay nauna nang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong January 2010 dahil sa umano’y pagtutulak ng shabu.

Nagawa niyang makapag-piyansa at kinasuhan ang mga tauhan ng PDEA ng robbery at direct-bribery dahil nakaipagsabwatan umano ang mga ito kay Loay town Mayor Rosemarie Lim-Imboy na siyang nagpahuli sa kanya.

Noong Nobyembre taong 2009 ay napatay ni Enerio si Jake Lord Decasa kung saan ay sinampahan siya ng kasong murder.

Pero dahil sa pagpasok ng Malacañang sa kaso ay naibaba ito sa homicide kaya siya nakapag-piyansa.

Read more...