Lima patay sa nasunog na ilegal na pagawaan ng paputok sa Laguna

By Jan Escosio November 18, 2022 - 06:51 PM

Nasawi ang limang katao, kabilang ang isang 83-anyos na babae, nang masunog ang isang bahay sa Barangay Canlubang sa Calamba City.

Ayon sa mga ulat, ang natupok na bahay sa Sitio Majada ay ginagamit sa paggawa ng mga paputok.

Kinilala ang apat sa mga nasawi na sina  Leticia Yutan Corral, 83; James Darwin Corral Delluson, 22; Ryan James Guttierez, 18; at Kenneth Buebo, 24. Hindi pa nakikilala ang ikalimang biktima.

Natagpuan sila sa natupok na bahay habang nag-iimbestiga na ang arson investigators.

Base sa ulat, alas-11 ng tanghali nang biglang may malakas na pagsabog at kasunod nito ay mabilis nang nilamon ng apoy ang bahay.

 

TAGS: BFP, calamba city, Paputok, sunog, BFP, calamba city, Paputok, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.