11th OFW and Family Summit 2022 ng SIPAG Villar Foundation ikinasa

By Jan Escosio November 18, 2022 - 06:43 PM

Makalipas ang higit dalawang taon, muling nakapagdaos ng face-to-face OFW and Family Summit ang SIPAG Villar Foundation ng pamilya nina dating Senate President Manny at Senator Cynthia Villar.

Lib0-libo ang nagpa-rehistro sa aktibidad na idinaos sa The Tent in Las Pinas City.

Ang  11th OFW & Family Summit 2022 ay may temang ‘Bagong Simula sa Sariling Bansa’ ay dinaluhan din ng mga opisyal ng  Department of Labor and Employent Department of Migrant Workers, Overseas Workers Welfare Administration at ibang kinauukulang ahensiya.

Personal na nakiharap sina Sen. Villar at ang anak nitong si House Deputy Speaker Camille Villar sa mga dumalo sa pagtitipon.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Sen. Mark Villar ang mga dumalo sa kanilang patuloy na suporta sa kanilang pamilya.

Si Migrant Workers Sec. Susan Ople ay nagpadala na lamang ng video message dahil kasama ito ni Pangulong Marcos Jr., sa APEC Summit sa Thailand at kinilala niya ang mga Villar na ‘Champions of OFWs.’

Sa panayam, sinabi ni Sen. Cynthia Villar na magpapatuloy sila sa pagbabahagi ng karunungan sa mga OFWs at sa pamilya ng mga ito sa tama at wastong paggamit ng kanilang pera, kabilang na ang pamumuhunan sa mga negosyo.

Naging tampok din ang raffle prizes, kabilang ang isang bagong lupa at bahay na napalanunan ng isang Jeorge Giron, ng Sta. Rosa City, Laguna; dalawang motorsiklo, kabuhayan showcases at ibat-ibang appliances.

 

 

 

 

 

TAGS: DMW, OFWs, OWWA, Villar, DMW, OFWs, OWWA, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.