Puslit na P80M halaga ng alahas nadiskubre sa PAL plane

By Jan Escosio November 18, 2022 - 06:09 PM
Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Customs )NAIA ang 24 kilo ng ibat-ibang gintong alahas na nadiskubre sa kubeta ng isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL). Sa pahayag ng kawanihan, galing ang PAL flight PR 301 sa Hong Kong kahapon sa NAIA Terminal 2. Tinataya na aabot sa P80 milyon ang halaga ng mga gintong alahas. Nadiskubre ang mga alahas ng Customs Boardong Inspector mula sa Aircraft Operations Division. Ipinag-utos na ni BOC-NAIA Carmelita Talusan ang masusing imbestigasyon sa pagpupuslit ng mga alahas upang makilala ang mga nasa likod nito.

TAGS: Gold, jewelry, NAIA T2, PAL, smuggling, Gold, jewelry, NAIA T2, PAL, smuggling

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.