4,000 pabahay ipatatayo ng DHSUD sa Tanauan City, Batangas

By Chona Yu November 17, 2022 - 03:35 PM

 

Aabot sa 4,000 pabahay ang ipatatayo ng Department of Human Settlements and Urban Development para sa mga informal settler sa Tanauan City, Batangas.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang naturang proyekto ay nasa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa mga Pilipino Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Mismong sina Acuzar at Tanauan City Mayor Nelson Collantes ang nanguna sa paglagda sa Memorandum of Understanding at groundbreaking ceremony sa proposed project site sa Barangay Sambat.

Labing anim na medium rise buildings ang ipatatayo sa Barangay Sambat at mayroong eskwelahan, playground, health center, at multi-purpose hall.

Malapit lamang ang pabahhay sa New Tanauan City Hall, Downtown, Trading Post, at STAR Tollway.

“Ang kagandahan nito, paglabas ng bahay malapit lang sa trabaho,” pahayag ni Acuzar.

“Dahil sa lubos na kasipagan ni mayor at gigil na gigil mapatayo ang pabahay, maaasahan niyo kami sa DHSUD na tututukan namin ang proyektong ito,” pahayag ni Acuzar.

Sinabi naman ni Collantes na katuparan ito ng pinapangarap na pabahay ng bawat Filipino.

“Binuksan namin ang lahat ng pinto sa Lungsod ng Tanauan dahil gusto namin maramdaman niyo na kailangan namin kayo [national government],” pahayag ni Collantes.

Nabatid na ito ang unang proyektong pabahay sa Batangas.

Target ng programa ng Pangulo na makapagpatayo ng 6.5 milyong pabahay sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028.

 

TAGS: Batangas, informal settler, news, Pabahay, Radyo Inquirer, tanauan, Batangas, informal settler, news, Pabahay, Radyo Inquirer, tanauan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.