Negosyo ng Thai company sa bansa, palalawakin pa

 

Palalawakin pa ng Thai conglomerate CP Group ang pagnenegosyo sa bansa.

Pahayag ito ng kompanya matapos ang dinner meeting kay Pangulong Ferdinand  “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand.

Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, dagdagan pa ng CP Group ang negosyo sa aquaculture, rice at swine production.

Nabatid na ang Thai conglomerate na CP group ang pinakamalaking kompanya ng Thailand na nagnenegosyo sa bansa na mayroong $2 billion investment.

Gumagawa ang kompanya ng mga feeds ng isda.

Nangako naman si Pangulong Marcos na palalakasin pa ang aquaculture industry sa bansa.

Sa ganitong paraan din kasi aniya makakamit ang tinatarget na food security.

Hindi maikakaila ayon sa Pangulo na isa ang pangingisda sa pangunahing hanapbuhay ng mga Filipino.

 

Read more...