Lockdown at travel bans hindi na kakayanin ng global economy
Hindi na kakayanin ng global economy ang karagdagang lockdown at travel bans dahil sa COVID-19.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Asia-Pacific Economic Cooperation CEO Summit sa Bangkok, Thailand, kailangang palakasin pa ang global health system.
Hindi lang aniya ang COVID-19 ang dahilan kung kaya kailangan palakasin ang global health system kundi maging ang iba pang uri ng sakit na maaring sumulpot sa mga susunod na araw.
Tiyak kasi aniyang madidiskaril ang stability ng global market at mahihirapang maka-rekober ang sektor ng turismo kung patuloy na ipatutupad ang mga lockdowns at travel bans.
Sinabi pa ng Pangulo na walang ibang solusyon sa pandemya kung hindi ang pagpapagting sa sistema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.