Sen. Pia Cayetano sinabing ipaubaya na dapat sa airport, tourism employees ang pagsusuot ng mask
By Jan Ecosio November 17, 2022 - 10:30 AM
Sinabi ni Senator Pia Cayetano na personal na ang pagsusuot o hindi pagsusuot ng mask ng mga kawani ng airports at turismo.
Aniya hindi na rin dapat itulak pa sa Department of Tourism ( DOT) na gumawa ng plano hinggil sa mga walang suot na mask sa mga airports at tourist spots sa bansa.
Ipinunto ng senadora na katulad sa Pilipinas, voluntary at optional na lamang sa Thailand at Singapore ang pagsusuot ng mask.
“I think it’s an Asian thing, we’re very careful. So I personally think it’s a human right if they want to wear their mask, they can. I don’t think it should be a burden. They should be able to. It’s their choice,” diin ni Cayetano.
Aniya siya ay patuloy na nagsusuot ng mask at hinuhubad lamang niya ito kung malayo siya sa mga tao.
Naniniwala si Cayetano na malaking tulong ang mask para maiwasan ang hawaan ng sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.