Lapid pinadadagdagan ang service incentive leaves ng mga empleado

By Jan Escosio November 17, 2022 - 10:26 AM

PDI FILE PHOTO
Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid upang madoble ang paid service incentive leaves ng mga kawani. “Mahalagang aspeto ng worker’s welfare and benefits ang pagkakaloob ng mga leaves upang ang ating mga manggagawa ay magkaroon ng pahanon para sa kani-kanilang mga pamilya, makapag-bakasyon at makapaglaan ng oras sa sarili,” katuwiran ni Lapid.
Naniniwala ang senador na kapag nadagdagan ang paid leaves ng mga kawani ay mas magiging produktibo sila sa trabaho. Hindi sakop ng panukala ang mga empleado na na may 10-day paid leaves, gayundin ang mga nagta-trabaho sa mga establismento na hindi lalagpas sa 10 ang mga trabahador, gayundin ang mga negosyo na bibigyan ng ‘exemption’ ng kalihim ng Department of Labor and Employment. Nais ni Lapid na mula sa limang paid service incentive leaves ay madoble ito sa 10.

TAGS: incentives, Labor, paid leaves, workers, incentives, Labor, paid leaves, workers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.