Tutok to Win Rep. Sam Verzosa, Rhian Ramos, ex-PBA players nagbigay ng mga regalo sa batang cancer patients

By Jan Escosio November 17, 2022 - 09:58 AM

TUTOK TO WIN FB PAGE

Naghatid kasiyahan si Tutok to Win Partylist Representative Sam ‘Batang Sampaloc’ Verzosa sa mga batang may cancer sa National Children’s Hospital sa Quezon City. Nagbigay ng tulong-pinansiyal si Verzosa sa mga batang pasyente, bukod pa sa mga regalong laruan at grocery packs sa kanilang pamilya. Kasama ng mambabatas ang aktres na si Rhian Ramos; dating professional basketball players Marc Pingris, Jayjay Helterbrand at Rico Maierhofer, pawang miyembro ng PBA Motoclub at mga kinatawan ng MAV’s Phenomenal Basketball. Ang tulong pinansiyal ay pambayad sa ospital o pandagdag sa pambayad sa pagpapagamot ng mga bata.

TUTOK TO WIN FB PAGE
“Gusto namin magpasalamat sa mga doctor, nurses at social workers sa National Children;s Hospital. Saludo po kami sa inyo. Salamat po sa pag-alaga, pagbibigay ng oras at serbisyo sa mga cancer patients natin. Kami po sa Tutok to Win nila Kuya Wil, matagal na ninyo pong nakakasama at ipagpapatuloy po namin yung pagtulong namin dito,” pagtitiyak ni Verzosa. Magugunita na nagdaos ng charity basketball game ang PBA Motoclub at MAV’s Phenomenal Basketball noong Oktubre 22 at kabilang sa major sponsors si Verzosa at ang kanyang donasyon ay ibinigay sa NCH.
TUTOK TO WIN FB PAGE
“Of course kasama natin dito ngayon yung PBA Moto Club led by Jayjay Helterbrand, Marc Pingris, Rico Maierhofer pati si Kuya Wil at lahat ng bumubuo ng Tutok to Win. Tuloy-tuloy lang po ang pagtulong at pagbibigay namin ng financial assistance at mga regalo sa mga pasyente natin dito sa NCH,” sabi pa ni Verzosa.

TAGS: cancer, children, National Children’s Hospital, PBA, cancer, children, National Children’s Hospital, PBA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.