VP Duterte itinalagang caretaker ng bansa

By Chona Yu November 17, 2022 - 09:14 AM

 

Screengrab from VP-elect Sara Duterte’s Facebook video

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Vice President Sara Duterte bilang officer-in-charge o caretaker ng bansa.

Ito ay habang wala sa bansa ang Pangulo at dumadalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand na nagsimula kahapon, Nobyembre 16 hanggang sa 19.

Kinumpirma ni Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil na si Duterte ang pansamantalang hahalili sa Pangulo.

Pangangasiwaan ni Duterte ang pang-araw-araw na gawain ng bansa.

Karaniwan nang itinatalaga ng Pangulo si Duterte na caretaker tuwing umaalis ng bansa para dumalo sa mga international na pagpupulong.

 

TAGS: Bangkok, caretaker, Ferdinand Marcos Jr., news, oic, Radyo Inquirer, Sara Duterte, thailand, Bangkok, caretaker, Ferdinand Marcos Jr., news, oic, Radyo Inquirer, Sara Duterte, thailand

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.