May nakatakdang bilateral meeting mamayang hapon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand.
Magpupulong ang dalawa ilang araw matapos sabihin ni Pangulong Marcos na kailangang sumunod ng China sa international law kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, imposible na makipag-usap sa mga opisyal ng China nang hindi tinutukoy ang isyu sa West Philippine Sea.
Una nang nagkaroon ng pagpupulong si Pangulong Marcos kay Chinese Premier Li Kiqiang sa Asean Summit sa Cambodia.
Nabatid na mayroong nakatakdang anim na bilateral meetings ang Pangulo sa Thailand.
READ NEXT
3 commissioners ‘no show’ sa deliberasyon, 2023 budget ng senior citizens’ body ipinagpaliban
MOST READ
LATEST STORIES