Pangulong Marcos may bilateral meeting kay Chinese President Xi Jinping
May nakatakdang bilateral meeting mamayang hapon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand.
Magpupulong ang dalawa ilang araw matapos sabihin ni Pangulong Marcos na kailangang sumunod ng China sa international law kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.
Ayon sa Pangulo, imposible na makipag-usap sa mga opisyal ng China nang hindi tinutukoy ang isyu sa West Philippine Sea.
Una nang nagkaroon ng pagpupulong si Pangulong Marcos kay Chinese Premier Li Kiqiang sa Asean Summit sa Cambodia.
Nabatid na mayroong nakatakdang anim na bilateral meetings ang Pangulo sa Thailand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.