3 commissioners ‘no show’ sa deliberasyon, 2023 budget ng senior citizens’ body ipinagpaliban
Hindi natuloy ang deliberasyon sa plenaryo ng 2023 budget ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) dahil absent ang tatlo sa kanilang komisyoner. Si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III ang nakapuna na hindi kumpleto ang mga humarap na komisyoner. Sinabi ni Sen. Imee Marcos, ang sponsor ng pondo ng NCSC, tanging sina Chairman Franklin Quijano, Comms. Edwin Espejo at Enriqueta Rodeles lamang ang sumipot. Hindi nagpakita sina Comms. Ida Patron, Reymar Mansilungan at Ranier Cruz, ayon pa rin kay Marcos. Bunga nito, hiniling ni Pimentel na ipagpaliban muna ang deliberasyon sa pondo ng komisyon para sa mga nakakatandang populasyon ng bansa. Ngayon araw ay maaring ituloy ang deliberasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.