US Vice President Kamala Harris bibisita sa bansa

By Chona Yu November 16, 2022 - 04:25 PM

 

Bibisita sa bansa si US Vice President Kamala Harris.

Darating sa bansa si Harris sa Nobyembre 20 hanggang 22 matapos ang pagdalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Bangkok, Thailand.

Ayon sa abiso, kabilang sa mga bibisitahin ni Harris ang isla ng Palawan na malapit lamang sa isla ng Spartly.

Patuloy ang giriaan ng Pilipinas at China sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Makikipagpulong din si Harris kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa Nobyembre 21 para paigtingin ang security at economic ties.

May nakatakda ring pagpupulong si Harris sa civil society activists at maging sa mga batang Filipino women.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Kamala Harris, news, Palawan, Radyo Inquirer, US, Ferdinand Marcos Jr., Kamala Harris, news, Palawan, Radyo Inquirer, US

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.