6M bahay para sa mahihirap ipatatayo ni Pangulong Marcos Jr. sa mga lupa ng gobyerno

By Jan Escosio November 16, 2022 - 07:59 AM
Maglalabas ng kautusan si Pangulong Marcos Jr., para sa pagsasagawa ng imbentaryo sa mga lupa na pag-aari ng gobyerno na maaring magamit para sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program. Base sa paunang pagtataya, nasa 16,000 ektarya ng lupa ang maaring mapagtayuan ng pabahay ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). Layon ng programa na makapagpatayo ng isang milyong bahay kada taon o anim na milyong bahay hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Marcos Jr., sa 2028. Naisip ng Malakanyang na sa pagpapatayo ng nga bahay sa mga lupa ng gobyerno, malaki ang matitipid sa pagkasa ng naturang programa. At mas maraming Filipino ang magkakaroon ng libreng bahay.

TAGS: DHSUD, mahihirap, Pabahay, PBBM, DHSUD, mahihirap, Pabahay, PBBM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.