‘Power tripping’ police officer ibinunyag ni Sen. Jinggoy Estrada

By Jan Escosio November 15, 2022 - 07:10 PM

SENATE PRIB PHOTO

Ibinahagi ni Senator Jinggoy Estrada na may isang opisyal ng pambansang pulisya ang nag-power trip’ sa kanya noong siya ay nakakulong sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.

Sa deliberasyon ng 2023 budget ng Department of the Interior and Local Government (DILG), inilahad ni Estrada ang kanyang dinanas sa pulis, na hindi na niya pinangalanan.

Ayon kay Estrada, maraming inihirit sa kanila ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr., ang opisyal at pinagbigyan naman nila ito.

“I never knew this policeman. He kept visiting us, asking for favors. Of course, I, together with Sen. Bong, gave in to all of his favors. And when he was assigned to head the custodial center, he never showed up and in fact this scalawag… he began his power tripping,” aniya.

Sinabi nito na pinagbawalan ng opisyal ang kanyang mga abogado at maging ang kanyang  pamilya na mabisita siya.

Hiniling na lamang ni Estrada kay PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., na huwag bigyan ng oportunidad ang opisyal na magkaroon ng promosyon.

Ayon naman kay Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa Senate Committee on Finance,  paglabag sa mga karapatan ni Estrada ang ginawa ng naturang opisyal, na ngayon ay nakatalaga sa Cotabato City.

 

 

TAGS: custodial center, DILG, Human Rights, PNP, custodial center, DILG, Human Rights, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.