Suporta sa malilit na online MSMEs itinutulak ni Sen. Lito Lapid

By Jan Escosio November 15, 2022 - 02:50 PM

Inquirer File Photo
Naghain ng panukala si Senator Lito Lapid na ang layon ay bigyang-suporta ang mga maliliit na online businesses. Ipinaliwanag ni Lapid na hangad ng kanyang Support Services for Online MSMEs Act na mabigyan ng insentibo ang mga naturang negosyo sa pagpaparehistro. Isa sa maaring insentibo ay ang pagbibigay suporta na makakatulong para sa maayos at epektibong operasyon ng negosyo. “Dapat nating kilalanin ang kahalagahan ng e-commerce sa pag-unlad at sa pagbangon ng ating ekonomiya sa mga naging epekto ng pandemya. Kaya marapat na bigyang pansin ang potensyal ng maliliit na online businesses kapag pormal at nakarehistro na upang mabigyan sila ng sapat na mga serbisyo ng suporta,” ani Lapid. Banggit niya sumigla ang maliliit na online businesses nang marami ang mawalan ng trabaho dahil sa pandemya ngunit maliit na bilang lamang ang nagpa-rehistro. “Layunin rin ng panukalang ito na makapagbigay ng sapat na kapital at credit access sa mga nagnanais magtayo ng online business, at magkaroon ng isang online one-stop portal para sa lahat ng mga support services upang mabigyan ng sapat na kaalaman at updates sa mga developments at technological advancements,” dagdag pa ng senador.

TAGS: Lito Lapid, MSME, news, Radyo Inquirer, Lito Lapid, MSME, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.