Pangulong Marcos nagpa RT-PCR test matapos ma-expose kay COVID positive Cambodian Prime Minister Hun Sen
Sumailalim na sa RT-PCR test si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay matapos magkaroon ng close contact kay Cambodian Prime Minister Hun Sen na nag-positibo sa COVID-19.
Nakasalamuha ng Pangulo ang Prime Minister sa pagdalo sa Asean Summit sa Cambodia.
Ayon kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Undersecretary Cheloy Garafil, nagpa RT-PCR test ang Pangulo bilang bahagi na rin ng health protocol para sa pagdalo sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit na gaganapin sa Bangkok, Thailand.
Bibiyahe ang Pangulo patungo ng Thailand bukas, Nobyembre 16.
Wala pa namang anunsyo ang Palasyo kung ano ang resulta ng RT-PCR test ng Pangulo.
Sinabi pa ni Garafil na inatasan na rin ng Pangulo ang kanyang nakasamang delegasyon sa Cambodia na magpa RT-PCR test.
Ipinaabot din ng Pangulo ang kanyang hangarin ng agarang paggaling ni Prime Minister Hun Sen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.