K-12 Program, suspindihin o buhusan ng pondo, hamon ni Cayetano

By Jan Escosio November 15, 2022 - 02:30 PM

SENATE PRIB PHOTO

Dahil sa bumabalot na mga isyu sa pagpapatupad ng K – 12 Program, sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na dalawa lamang ang maaring gawin, dagdagan ng husto ang pondo o suspindihin pansamantala ang programa.

“The immediate solution is simple, either i-suspend and K to 12 for five to 10 years until we have enough resources or fund the K-12 now as it was envisioned,” sabi ni Cayetano sa kanyang interpelasyon sa 2023 proposed budget ng Department iof Education (DepEd). Binanggit ng senador na hindi natutugunan ng K-12 program ang problema sa kalidd ng edukasyon sa bansa dahil kulang pa rin ang mga pasilidad at programa sa mga paaralan. Aniya dapat ay mapagtuunan ng sapat na pansin ang pagkasa ng programa para mapataas ang kalidad ng edukasyon. Ayon pa kay Cayetano, mahalaga sa mga magulang na makita na tunay na nakakabuti sa kanilang anak ang K-12 program.

TAGS: Alan Cayetano, deped, K-12, news, pondo, Radyo Inquirer, Alan Cayetano, deped, K-12, news, pondo, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.