DepEd confidential funds gamitin sa proteksyon ng mga estudyante – Tulfo

Suportado ni Senator Raffy Tulfo ang P710 billion 2023 budget ng Department of Education (DepEd). Ngunit hiling ng senador na gamitin ang confidential fund ng kagawaran para matiyak ang kaligtasan at pagbibigay proteksyon sa mga estudyante. Diin ng senador kailangan na protektahan ang mga estudyante sa mga kidnaper, nagbebenta ng droga at mga manyak. Binanggit pa nito ang mga impormasyon na nagpapatuloy ang pambu-bully sa mga mag-aaral sa labas ng mga eskuwelahan. “We have to protect the welfare of the children. Kung sa Amerika, yung mga estudyante ang madalas nagiging biktima ng mass shooting, sa Pilipinas naman, may mga reports in the past na may mga pusher na nagbebenta ng droga sa paligid ng eskuwelahan at iba pang criminal elements prowling the perimeters of the school,” aniya. Sinabi ni Tulfo na maaring gamitin ng DepEd ang confidential fund sa ;intelligence networking’ upang asikasuhin ang seguridad ng mga estudyante dahil sobra-sobra na ang trabaho ng mga pulis.

Read more...