5 patay, 2 sugatan sa sunog sa Navotas City

By Jan Escosio November 15, 2022 - 11:05 AM

 

Lima ang nasawi, kabilang ang isang dalawang-taong gulang na lalaki, sa sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Navotas City, Lunes ng hapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Teresa Lopez, 40, Darlene Baluyot, 19, Asuncion Tongco Gonzales, 50, Diorella Gonzales, 18, at ang batang lalaki.

Ang mga sugatan naman ay sina  Carlos Oledan, 51, at Josefina Sarate, 64.

Unang tinupok ng apoy ang ilang bahay sa Cadorniga St., Barangay Bagumbayan North alas-3:58 at nadamay din ang ilang bahay sa Monroy St., Barangay Navotas West.

Alas-8:22 ng gabi nang umabot na sa Task Force Alpha ang sunog bago nagdeklara ang Bureau of Fire – Navotas ng ‘fire under control’ alas-8:29.

Pansamantalang inilikas sa isang isolation facility sa Navotas Centennial Park ang mga nawalan ng tirahan.

TAGS: Lima, navotas, news, patay, Radyo Inquirer, sunog, Lima, navotas, news, patay, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.