Nalagpasan ng Bureau of Customs ang revenue target collection para sa taong 2022.
Ayon kay BOC Commissioner Yogi Felimon Ruiz, nasa P745.50 bilyon na ang nakolekta ng kanilang hanay. Lagpas na ito sa P721.52 bilyon na target collection.
Mas mataas ito ng P23.98 bilyon o 3.27 percent.
Sinabi pa ni Ruiz na naabot ng lahat ng 17 collection districts ang collection target para mabuo ang surplus na 16.8 percent o P103.29 bilyon as of October 31.
Nabatid na ang nakolektang buwis ngayong taon ay ang pinakamataas na nakolekta sa kasaysayan ng BOC.
Pinasalamatan ni Ruiz ang kanyang mga tauhan dahil sa maayos na pagtupad sa tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.