Bantay ng mga bilanggo, babantayan ng teknolohiya
Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr., na gagamit siya ng teknolohiya para mabantayan ang kilos ng mga nagbabantay sa mga bilanggo sa mga pinangangasiwaan niyang piitan sa bansa.
Paliwanag pa niya ang teknolohiya ang gagamitin para maibsan ang kakulangan nila ng mga tauhan.
“What I lack in personnel, I will compensate through technology,” aniya.
Ibinahagi nito na bumili na siya ng mga aso at high-tech equipment, karagdagang CCTV cameras at signal jammers.
Paliwanag niya maamoy ng mga aso ang anumang droga, maging cellular phones at iba pang mga kontrabando na maaring magamit ng mga bilanggo.
Binabalak din niya ang pagpapatayo ng Central Command Center para sa gagawin nilang pagbabantay at pagsubaybay sa kanilang mga tauhan, gayundin sa mga bilanggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.