Ito ang napagdesisyon sa Supreme Court en banc session kahapon.
Kinuwestyon ng mge petitioner ang pagpapalit ng mga opisyal ng smartmatic sa hascode o script na ginamit sa transparency server ng Comelec sa nakalipas na May 9 elections.
Inihihirit din ng mga petitioner sa SC na pagpaliwanagin ang Comelec sa kwestyunableng resulta ng botohan noong alas 7:25 ng gabi ng May 9 hanggang sa pagsapit ng 7:45 ng gabi, 8:05 ng gabi at 8:25 ng gabi.
Ito ang oras na biglang bumaba na ang boto ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at naungusan ni Representative Leni Robredo sa vice presidential race.