Wala pang natatanggap na ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) na may Filipino na kabilang sa mga biktima ng pambobomba sa Istanbul. Turkey.
Base sa mga ulat, anim ang nasawi at 81 ang nasugatan sa pagsabog sa Beyoglu Square.
“So far, the Embassy (in Ankara) and Consulate General have not received any report of Filipino casualties,” base sa pahayag na inilabas ng DFA, kasabay ng pagpapalabas ng mensahe ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi. Ayon pa sa kagawaran patuloy na susubaybayan ang pangyayari sa pamamagitan ng Embahada at Consulate General ng Pilipinas sa Turkey. Ikinukunsidera ng gobyerno ng Turkey na ‘terror attack’ ang insidente. Kabilang sa mga nasawi, si Yusuf Meydan, miyembro ng Ministry of Family and Social Services, kasama ang kanyang anak na babae.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.