Social Welfare Usec. Janella Estrada, reservist sa Philippine Air Force

CONTRIBUTED PHOTO

Nahirang si National Authority for Child Care (NACC) Executive Director Janella Estrada bilang class president ng basic Citizen Military Training (BCMT) Bravo Bagwis Class 2022.

Sumailalim sa apat na buwan na pag-aaral at pagsasanay si Estrada upang manatiling reservist ng Philippine Air Force (PAF).

Napagtagumpayan ito ng anak ni Sen. Jinggoy Estrada sa kabila ng mga pagdududa sa kanyang kakayahan.

“Hindi po ako sumuko. Hindi po tayo sumuko,” ang pahayag ni Estrada sa mga kapwa niya nagsipagtapos sa naturang kurso sa kabilang ng mga matinding sakripisyo at hamon.

Ibinahagi din nito na labis na nag-alala ang kanyang pamilya sa kanyang desisyon na ipagpatuloy ang pagiging military reservist.

Bago sa kanyang kasalukuyang posisyon, nagsilbing vice mayor at konsehal ng lungsod ng San Juan si Estrada.

Read more...