Subpoena kay Bantag at iba pang isinabit sa Lapid slay case ilalabas ngayon
Inaasahan na ngayon araw magpapalabas ang government prosecutors ng subpoenas sa mga natukoy na sangkot sa pagpatay kina Percival ‘Percy Lapid’ Mabasa at sa bilanggo na si Jun Villamor.
Una sa listahan na padadadalhan ng supboena si suspended Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gerard Bantag.
Sa subpoena kinakailangan na magsumite ng kanilang counter-affidavits si Bantag, gayundin ang mga iba pang isinabit sa dalawang kaso ng murder.
Paliwanag ni Sr. Asst. State Pros. Charlie Guhit, ito ay pagsisimula na rin ng preliminary investigation ng mga kaso.
Bukod kay Bantag, sabit din sa dalawang kaso sina BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta at ilang bilanggo, na namumuno sa ibat-ibang grupo sa pambansang piitan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.