Iilang kandidato pa lang ang naghahain ng SOCE sa Comelec
Bagaman huling araw na ngayon ng paghahain ng statement of contributions and expenditures o SOCE sa Commission on Elections (Comelec), iilan pa lamang ang tumatalima rito.
Sa presidential race, si Senator Miriam Defensor-Santiago ang unang naghain ng SOCE.
Sa deklarasyon ni Santiago, gumastos siya ng P74.6 million sa pangangampanya, subalit nakasaad na ito ay pawang in-kind contributions o hindi pera, at ang kabuuang halagang ito ay donasyon mula sa kanyang partido.
Sa vice presidential race naman si Sen. Antonio Trillanes IV ang unang naghain ng SOCE.
Gumastos siya ng P61.8 million at mahigit P700,000 dito ang galing sa kanyang personal na pondo.
Sa pagkasenador, 10 na ang nakapaghain ng SOCE kabilang sina Senator-elect Manny Pacquiao, Senator Tito Sotto, Ping Lacson, Win Gatchalian, at Ralph Recto.
Nabatid na si Pacquiao ay gumastos ng P66.4 million na pawang mula sa kaniyang personal funds o galing sa sarili niyang bulsa.
31 naman mula sa kabuuang 115 na Partylist ang nakapaghain na rin ng SOCE.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.