Ayon kay Pangulong Marcos Jr., sa kanyang pakikipag-usap nalaman niya hindi natatangi sa Pilipinas ang isyu ng mataas na halaga ng mga bilihin, kasama na ang mga produktong-petrolyo, gayundin ang kakulangan sa suplay ng pagkain.
“What I learned in having attended this ASEAN Summit is that marami talagang commonalities ang bawat bansa,” pagbabahagi nito.
Dagdag pa niya; “That actually is a good thing because nag-a-agree kami na ito ‘yung mga talagang problema, ito ‘yung mga dapat unahin natin. And it’s common. It’s price of food, the price of energy, the supply side problems.”
Napag-usapan din aniya nila ang hirap sa epekto ng mataas na inflation at ang pagbangon sa epekto ng pandemya.
Napag-usapan din ng mga lider ang missile testing ng North Korea, mga kaganapan sa South China Sea, digmaang Ukraine-Russia.
“If we do all of the things that we’re supposed to do, if we put all the structural elements in place, we can go back to the pre-pandemic situation where the main driver of the global economy was Southeast Asia,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.