Pagtapyas sa confidential, intelligence funds depende sa Kongreso – Angara
By Jan Escosio November 14, 2022 - 09:50 AM
Bukas si F Senator Sonny Angara na bawasan ang confidential at intelligence funds (CIFs) ng ilang ahensya ng gobyerno.
Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Financea, ang pagtapyas sa alokasyon ng CIF ay nasa pagpapasya na ng Kongreso,
Pagtitiyak nito lahat ng senador ay maaring magdesisyon ukol sa CIF.
Aniya pa, karamihan naman ng may CIF ay iyong may confidential fund noon pa tulad ng Office of the President (OP) at Department of Justice (DOJ).
Inihalimbawa pa ng senador na noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi naman naging isyu ang confidential fund sa OP dahil nagamit naman sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan ng mga komunidad pero ngayong Marcos administration ay tila bigla na lamang ginagawang isyu ito.
Siniguro naman ni Angara na may itinatakdang limitasyon ang mga confidential at intel funds at kinakailangan ding magsumite ng report ‘quarterly’ sa Commission on Audit, Congress, at sa OP tungkol sa paano ito ginastos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.