5 nagbibisikleta patay, apat na iba pa sugatan matapos araruhin ng truck sa Michigan

MichiganPatay ang limang bicyclists at sugatan ang apat na iba pa matapos silang araruhin ng isang pickup truck sa Michigan USA.

Nagana pang aksidente sa highway ng North Westnedge Avenue sa Cooper Township alas 6:35 ng gabi doon, umaga naman kanina oras dito sa Pilipinas.

Ginagamot sa Bronson Methodist Hospital t sa Borgess Medical Center ang apat na nasugatan kung saan isa sa kanila ang kritikal umano ang kondisyon.

Ayon kay Kalamazoo County Prosecutor Jeff Getting, sa inisyal na impormasyon at batay sa pahayag ng mga testigo, isang picup truck ang sumagasa sa mga biktima.

Ang mga nasawi at nasugatan ay grupo ng bikers na madalas nang dumadaan sa lugar.

Sinabi naman ng isa sa testigo na si Markus Eberhard nakita niyang napakabilis ng takbo ng truck na sumagasa sa mga biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga, nawasak pati ang harapan ng truck.

Mabilis na tumakas sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ang driver ng truck at inabandona ang kaniyang sasakyan.

Read more...