37 na pamilyang nasunugan, binigyan ng ayuda ni Mayor Belmonte

By Chona Yu November 12, 2022 - 03:50 PM

 

Aabot sa 37 na pamilyang nasunugan ang binigyan ng pinansyal na ayuda ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Nakatanggap ang bawat pamilya ng tig P10,000 para sa mga may-ari ng bahay habang tig P5,000 naman para sa mga pamilyang nasunugan na nangungupahan lamang.

Una nang nakatanggap ng food packs at material assistance ang mga nasunugan.

Matatandaang tinupok ng apoy kamakailan ang isang residential area sa Barangay Commonwealth at Sauyo kung saan 37 pamilya ang naapektuhan.

Ayon kay Belmonte, sumailalim muna sa masusing verification process ng Social Services Development Department ang mga pamilya bago binigyan ng ayuda.

 

TAGS: ayuda, joy belmonte, news, Radyo Inquirer, sunog, ayuda, joy belmonte, news, Radyo Inquirer, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.