Pangulong Marcos inimbitahan sa World Economic Forum sa Switzerland
Inimbitahan ni World Economic Forum (WEF) Founder at Executive Chairman Klaus Schwab si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dumalo sa World Economic Forum na gaganapin sa Davos, Switzerland sa Enery 16 hanggang 20, 2023.
Ginawa ni Schwab ang imbitasyon sa breakfast meeting kay Pangulong Marcos.
Sinaluduhan ni Schwab ang Pangulo dahil sa maayos na pamumuno para palakasin ang ekonomiya ng bansa.
Sinabi pa ni Schwab na ang pagdalo ng Pangulo sa WEF ay magandang oportunidad para makilala ang global business community at malaman ang dynamism at positive developments para ibida ang mga kaganapan sa Pilipinas at makaakit ng mga mamumuhunan.
Nasa Cambodia ngayon ang Pangulo at dumadalo sa 40th and 41st ASEAN Summits and Related Summits.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.