Ipinagpaliban ng lokal na pamahalaan ang nakatakdang pagbubukas sa Manila Zoo.
Ayon kay Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, sa halip na Nobyembre 15, 2022, bubuksan ang Manila Zoo sa Nobyembre 21, 2022.
Ayon kay Lacuna-Pangan, bibigyan daan ang final preparations sa loob ng zoo.
“Sa pakiusap ng mga stall owners para lalo nila mapaganda at mapag handaan ang tuluyang pagbubukas ng Manila Zoo, minabuti natin na ipagpaliban muna ang pag bukas ng Manila Zoo from November 15 to November 21,” pahayag ni Lacuna-Pangan.
Bukas ang Manila Zoo araw-araw mula 9:00AM hanggang 8:00PM kung saan ang cut off sa pagpasok ng mga bisita ay isasara ng 6:00PM.
Ang admission fees ay:
Adult and child – P150 para sa mga residente ng Manila at P300 para sa mga hindi residente ng Manila
Students – P100 para sa mga taga-Manila at P200 para sa mga hindi taga-Manila
Senior Citizens at PWD – 20% discount on prescribed fees
Libre naman ang mga batang nag-eedad dalawang taong gulang pababa.
Mayroon ding online registration at pagbili ng ticket simula sa Nobyembre 20, 2022 sa pamamagitan ng kanilang website na manilazoo.ph.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.