Hinamon ni suspended Bureau of Corrections Director General Gerald Bantag si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na bumaba na sa puwesto.
Sa ekslusibong panayam ng SMNI, sinabi ni Bantag na wala nang kredibilidad si Remulla.
Ginawa ni Bantag ang pahayag matapos maaresto ang anak ni Remulla na si Juanito Remulla III matapos makumpiskahan ng isang kilo ng kush, isaang mataas na klase ng marijuana.
Sinabi pa ni Bantag na kinu-kondisyon ni Remulla ang isip ng taong bayan para ituro siya.
Nadadawit ang pangalan ni Bantag sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.