Hontiveros sa Malakanyang: Hinay-hinay sa pag-utang!

Pinakiusapan ni Senator Risa Hontiveros ang Malakanyang na huwag maging padalos-dalos sa pag-utang sa labas ng bansa para pondohan ang ilang proyekto.

Ani Hontiveros hindin dapat tularan ng kasalukuyang administrasyon ang administrasyong-Duterte na umutang nang umutang sa China kahit aniya ay hindi naman kailangan.

Binanggit pa ng senadora ang nakabinbing Kaliwa Dam project sa Quezon Province at ang P171-billion South Luzon Long Haul Rail project mula sa Laguna hanggang Sorsogon, na kapwa ibinitin  ng mga kompaniya sa China.

Sinabi ni Hontiveros na may mga pribadong negosyante na nais mamuhunan sa dalawang nabanggit na proyekto.

“We should do everything so government avoids taking on the heavy loan burden itself,” dagdag pa ni Hontiveros, na sinabing dapat din busisiin ang Mindanao Rail at Subic – Clark Rail projects.

Read more...