Gobyerno, MILF nagkasundo ng tigil-putukan sa Basilan
Pumirma ang gobyerno ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ng ceasefire agreement upang matigil na ang digmaan sa Basilan.
“We are happy to announce that a ceasefire agreement has been signed by the Government of the Philippines and MILF, which brings to an end the armed encounter between government troops and MILF forces,” ani David Diciano, ang namumuno sa Presidential Adviser on the Peace Process’ Bangsamoro Transformation Program.
Sa kasunduan, pumayag ang MILF na alisin ang kanilang puwersa na hindi residente ng Barangay Ulitan sa bayan ng Ungkayan Pukan, gayundin ang ‘decommissioning’ ng kanilang mga armas.
Napagkasunduan dun na magkaka-isa ang AFP at MILF para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa nabanggit ng barangay, kung saan sumiklab ang digmaan noong Martes.
Pinuri naman ni Presidential Peace Adviser sec. Carlito Galvez ang ceasefire agreement at aniya patunay ito na nais ng dalawang panig ang pagwawakas na ng armadong sagupaan.
Sa karahasan, tatlong sundalo na ang nasawi at may 13 pa ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.