15,000 pamilya na biktima ng Bagyong Odette, binigyan ng tig P10,000
(Courtesy: NHA)
Nakatanggap na ng pinansyal na ayuda ang 15,000 na pamilya na nasalanta ng Bagyong Odette sa Palawan.
Ayon kay National Housing Authority General Manager Joeben Tai, nasa P10,000 ang natanggap na ayuda ng bawat pamilya.
Galing aniya ang mga pamilyang nabigyan ng ayuda sa sa Puerto Princesa, Roxas, San Vicente, Taytay, at El Nido, Palawan.
Disyembre 2021 nang tumama ang Bagyong Odette sa bansa.
Sinabi pa ni Tai na ang pamamahagi ng ayuda ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tulungan ang mga nasasalanta ng bagyo.
Nasa P8.2 milyon ang kabuuang halaga ng ipinamigay na ayuda.
“Sa iba pong apektadong pamilya na nasa listahan ng benepisyaryo ng tulong pinansyal ngunit hindi makatatanggap ngayon, huwag po kayong mag-alala dahil tuloy-tuloy po ang gagawing pamamahagi ng cash assistance ng NHA sa susunod na mga araw at linggo. Ang NHA po ay inyong kaagapay sa pagharap sa inyong bagong buhay,” pahayag ni Tai.
Sa kabuuan, nasa P2.391 bilyon ang naipamigay na ayuda sa ilalim ng pamamahala ni Tai.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.