Krisis sa Myanmar, tinalakay nina Pangulong Marcos at Cambodian Prime Minister Hun Sen

By Chona Yu November 11, 2022 - 01:59 PM

 

(OPS)

Pasensya ang nakikitang solusyon nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Sen para masolusyunan ang lumalalang political crisis sa Myanmar.

Nagkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos at ng Cambodian Prime Minister sa sideline ng 40th and 41st Association of Southeast Asian Nation Summits and Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia.

“Your advice, Mr. Prime Minister, as you have great experience in this matter, perhaps your advice to be patient, is the best that we can do right now. But we can still do more in terms of engagement in Myanmar. I’m in full agreement with you, Mr. Prime Minister. That is the way forward,” pahayag ng Pangulo.

Binigyang diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsuri sa political dynamics ng Myanmar.

Taong 2021 nang magkaroon ng military coup d’etat sa Myanmar.

Bukod sa krisis sa Myanmar, tinalakay din ng dalawang lider ang epekto ng nangyayaring gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Bukod sa Prime Minister ng Cambodia, may nakatakda ring bilateral meeting ang Pangulo kay Vietnamese Prime Minister Phan Minh Chinh.

Tatalakayin naman ng dalawa ang pagpapaigting sa relasyon ng dalawang bansa pati na ang usapin sa defense, maritime security, kalakalan at agrikultura.

TAGS: Asean, Cambodia, Ferdinand Marcos Jr., hun sen, news, Radyo Inquirer, Asean, Cambodia, Ferdinand Marcos Jr., hun sen, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.