Bilang ng nasawi sa Bagyong Paeng nasa 159 na

By Chona Yu November 11, 2022 - 09:30 AM

 

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa nagdaang Bagyong Paeng.

Ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Reduction and Management Council, nasa 159 na ang bilang ng nasawi.

Sa naturang bilang, 129 ang kumpirmadong nasawi habang nasa 30 ang sumasailalim pa sa validation.

Nasa 146 naman ang nasugatan habang 30 ang nawawala.

Pumalo na sa P6.3 bilyon ang halaga ng agrikultura ang nasira.

Nasa mahigit P5 bilyon naman na halaga ng imprastraktura ang nasira.

 

TAGS: Bagyong Paeng, death toll, ndrrmc, news, Radyo Inquirer, Bagyong Paeng, death toll, ndrrmc, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.