Bangkay ng 10 PDL na nakaimbak sa punerarya, inilibing na

By Chona Yu November 10, 2022 - 07:39 PM

 

Inilibing na sa New Bilibid Prison Cemetery ang bangkay ng 10 persons deprived of liberty na matagal nang nakaimbak sa Eastern Funeral Homes sa Muntinlupa City.

Ayon kay Justice Secretry Jesus Crispin Remulla, naagnas na kasi ang mga bangkay kung kaya kailangan nang ilibing.

Nabatid na 10 bangkay ay kasama sa 176 na bangkay ng PDL na nakaimbak sa Eastern Funeral Homes.

Sa ngayon, tinutunton na ng DOJ ang mga kaanak ng mga namatay na bilanggo para mai-turn over sa kanila at mabigyan ng disenteng libing.

 

TAGS: bangkay, bilanggo, news, PDL, Radyo Inquirer, remulla, bangkay, bilanggo, news, PDL, Radyo Inquirer, remulla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.