Inilunsad ng National Capital Region Police Office ang mas epektibo at mabilis na sistema ng pagsusumbong sa krimen sa Metro Manila.
Pinangunahan ni NCRPO chief Brig. general Jonnel Estomo ang paglulunsad ng S.A.F.E. NCRPO app alert sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.
Sinabi pa ni Estomo na sa pamamagitan ng app, madali na ang paghingi ng tulong sa pulis gamit lamang ang mga cellular phone.
Ang S.A.F.E NCRPO app alert ay isang mobile application na alert service na imo-monitor ng Tactical Operation Centers (TOCs) ng NCRPO.
Sa isang pindot lamang aniya, makapagbibigay ang app ng alerto sa command centerat agad na ipapasa ng duty na pulis sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.
Sinabi pa ni Estomo na hindi dependent sa internet connection ang naturang app.
Kung wala kasi aniyang internet, maaring ipadala ang alerto sa short messaging system o text message.
Ayon kay Estomo, ang naturang proyekto ay naka-angkla sa KASIMBAYANAN programs ng PNP na magbibigay ng police alert hotline.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.