Regatta muling umarangkada sa Puerto Galera

By Chona Yu November 09, 2022 - 06:06 PM
Matapos maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic, muling nagpaligsahan sa karera ng yate ang nasa higit 150 na sailor o maglalayag sa tinaguriang All Souls Regatta (ASR) na ginanap sa isla ng Puerto Galera sa Oriental Mindoro noong ika-2 ng Nobyembre. Ito na ang ika-labingwalong taon ng ASR na naglalayong ipakilala ang Puerto Galera bilang isa sa premier sailing tourist destination sa bansa. Sa loob ng tatlong araw, nagpaligsahan ang mga sailor, sakay ng kanilang mga keelboats, sa karera na nagsimula sa Muelle Bay patungo sa Bulabod Beach, Verde Island, Maricaban Island, at Talipanan Point. Bukod sa mga experienced sailors, nakilahok rin sa karera ang ilang young sailors ng probinsiya na kabilang sa marginalized sector at ilang street children. Ang ilan sa kinita ng ASR ay ido-donate sa Stairway Foundation na naglalayong tulungan ang ilang mahihirap na kabataan sa Puerto Galera. Ayon kay Mayor Rocky Ilagan ng Puerto Galera, malaking bagay ang muling pagdaraos ng ASR para manumbalik ang sigla ng turismo sa isla na labis na naapektuhan ng pandemya. Bukod sa ASR, puspusan na rin ang lokal na pamahalaan sa pagpapaganda ng kanilang isla upang maka-engganyo ng mas marami pang turista. Nagpapatuloy ang isinasagawang rehabilitasyon sa sikat na white beach ng Puerto Galera upang malinis ang paligid nito at maisaayos ang drainage system. Nag-install na rin ng mga lamp post sa kahabaan ng white beach upang mas lumiwanag ito sa gabi. Bukod sa white beach, maaari ring bisitahin ang iba pang tourist destinations sa isla tulad ng Muelle Bay, Tamaraw Falls, Aninuan Falls, Mangyan Village, at iba pa. Minsan nang itinanghal ang Puerto Galera bilang isa sa “The Most Beautiful Bays in the World” noong 2005 ng Paris-based website na Le Plus Beels Du Monde.

TAGS: news, Oriental Mindoro, puerto galera, Radyo Inquirer, news, Oriental Mindoro, puerto galera, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.