Tumaas ng 69 percent ang nakolektang buwas ng Department of Building Official ng Quezon City noong 2021.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, nangangahulugan ito ng P314 milyong halaga ng nakolektang buwis.
Mas mataas ito ng P261 milyon na nakolekta noong 2018.
Sinabi pa ni Belmonte na kaya tumaas ang kita ng naturang departamento ay bunga ng ginawang pagpapabilis ng processing time sa pagkuha ng building permit.
Ibinida pa ni Belmonte na inaabot na lamang ngayon ng hanggang 10 araw ang pagkuha ng highly technical building permit na dati ay inaabit ng buwan.
Ayon kay Belmonte, ang online building registration ang isang dahilan kung kaya bumilis ang proseso.
Bunga aniya ito ng 100 percent na digitalization process na ipinatupad ng lokal na pamahalaan.
Nasa 55,000 na aniya ang gumagamit sa online building permitting system at 2,000 mahigit na ang rehistrado na building at private professional sa building professional registration system.
Kumpiyansa si Belmonte na dahil sa bagong proseso, mawawala na rin ang mga fixer at scammer.