Filipino shooters na lalaban sa Thailand, suportado ni Pangulong Marcos
Suportado ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang delegasyon ng Pilipinas na Philippine Practical Shooting Association na lalahok sa Pattaya, Thailand sa Nobyembre 16 hanggang Disyembre 3.
Sa courtesy call sa Malakanyang, sinabi ng Pangulo na gagawa siya ng paraan para matugunan ang problema ng mga Filipino shooters na makikipagtagisan ng galing sa 2022 International Practical Shooting Confederation (IPSC) Handgun World Shoot XIX.
Kabilang sa mga kinakaharap ng mga Filipino shooters ang problema sa load restriction.
“I wish to express my full and continuing support to the association for such good advocacies you promote in our local and international sports scene,” pahayag ng Pangulo.
Mismong si Pangulong Marcos ay isang gun enthusiast.
Si Pangulong Marcos din ang nasa likod ng BBM (Bongbong Marcos) Cup.
Kabilang sa mga lalahok sa patimpalak sina Aeron John Lanuza, Alfredo Catalan Jr., Arnel Ariate, Dominic John Santos, Edcel John Gino, Erin Mattea Micor, Evelyn Woods, Francis Paulo Paulino, Genesis Pible, Jerome Morales, Lenard Lopez, Marly Martir, Michael Tuazon, Raphael Castillo, Rolly Nathaniel Tecson, at Stefanie Kathrene Lee.
Kasama sa courtesy call sina Ryan Remigio, PPSA Chairman, Edwin Lim, PPSA President and IPSC Regional Director at iba pang PPSA officers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.