Pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, patunay na gumaganda na ang ekonomiya ng bansa

By Chona Yu November 09, 2022 - 03:40 PM

Hindi pa rin nagpapaka-kampante si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdoble kayod para mabigyan ng trabaho ang mga Filipino.

Ito ay kahit na nabawasan na ang bilang ng mga Filipino na walanng trabaho.

Base sa pinakahuling ulat ng Philippine Statistics Authority, nasa 2.5 milyong Filipino na lamang ang walang trabaho noong buwan ng Setyembre, mas mababa sa 2.68 milyong Filipino na walang trabaho noong buwan ng Agosto.

Ayon sa Pangulo, isaang welcome development ang pagbaba ng mga walang trabaho mula nang pumutok ang pandemya sa COVID-19 may dalawang taon na ang nakararaan.

“Ever since we started with the economic team, even before I took office, we really concentrated on the creation of jobs,” pahayag ng Pangulo.

“And that’s why it is having the effect now of bringing down our unemployment rate,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na patunay ito na gumaganda na ang ekonomiya ng bansa.

“This is a good sign. The economy is trying very hard to grow,” dagdag ng Pangulo.

“We just have to be able to tolerate the shocks that are coming from abroad. But otherwise, the economy is moving in the right direction,” dagdag ng punong ehekutibo.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., news, psa, Radyo Inquirer, tambay, unemployment, Ferdinand Marcos Jr., news, psa, Radyo Inquirer, tambay, unemployment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.