Sapat na enerhiya sa bansa, tiniyak ni Pangulong Marcos
Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Energy (DOE) sa Palasyo ng Malakanyang kaninang umaga.
Ito ay para tugunan ang problema sa energy supply ng bansa.
Base sa mga litrato na inilabas ng Office of the Press Secretary, makikitang kausap ng Pangulo si Energy Secretary Raphael Lotilla.
“Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga opisyal ng Department of Energy at sa ibang kaugnay na ahensya upang talakayin ang mga plano ng administrasyon para siguruhin ang sapat na enerhiya sa bansa,” pahayag ng OPS sa kanilang facebook post.
“Inaasahang isa ito sa mga tatalakayin ng Pangulo sa darating na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia,” dagdag ng OPS.
Tutulak patungong Cambodia si Pangulong Marcos mamayang 5:00 ng hapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.