Optional facemask use sa mga eskuwelahan suportado ni Sen. Win Gatchalian
By Jan Ecosio November 09, 2022 - 03:20 PM
Sang-ayon si Senator Sherwin Gatchalian na ginawang optional na lamang ng Department of Education (DepEd) ang pagsusuot ng mask sa mga paaralan.
Kasabay nito, pinuri ni Gatchalian ang matagumpay na 100 percent in-person classes, na aniya ay mahalaga sa pagbangon ng basic education sector mula sa epekto ng COVID19 pandemic. Kinatigan nito ang desisyon ng kagawaran na gawing optional lamang ang pagsusuot ng mask ng mga estudyante sa mga paaralan alinsunod sa Executive Order no. 7 na inilabas ng Malakanyang na boluntaryo na ang pagsusuot mask sa outdoor at indoor places. Naniniwala ang mambabatas na ang optional na pagsusuot ng facemasks sa mga paaralan ay makakatulong sa pagpapanumbalik ng normal na sitwasyon matapos ang dalawang taon na pagpapatupad ng distance learning. Magkagayunman, iginiit pa rin ng senador ang patuloy na pagpapatupad ng mga mitigation measures sa loob ng mga eskwelahan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro laban sa COVID-19. Dapat aniyang palaging masiguro ng mga paaralan na may maayos na bentilasyon, may sapat handwashing facilities at patuloy na hikayatin ang mga guro at estudyante na magpabakuna laban sa sakit.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.