Meralco inanunsiyo ang taas-singil ng November power consumption

By Jan Escosio November 09, 2022 - 03:12 PM

Inanunsiyo ng Meralco ang pagtaas ng halaga ng isinusuplay nilang kuryente sa kanilang customers ngayon buwan.

Ang dagdag singil, ayon sa power distributor, ay dahil sa mas mataas na generation cost.

Mula sa P9.8628 per kilowatt hour ito ay magiging P9.9472 per kilowatt hour o pagtaas ng P0.844.

Nangangahulugan na ang karagdagang P17 ang babayaran ng mga maybahay na nakakakonsumo ng 200 kilowatt per hour kada buwan.

Paliwanag ng Meralco tumaas ang generation cost ng P0.0725 at ang generation charge ay 55 porsiyento ng electric bill.

Samantala, ang transmission taxes at iba pang singilin sa residential electric conumers ay tumaas ng P0.0119 per kilowatt hour.

 

TAGS: generation charge, Kuryente, meralco, generation charge, Kuryente, meralco

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.